Saturday, August 1, 2009

Badminton Marathon

Hapon na nasa iskul pa ako(lagi naman eh!) Kaya nga sabi ng mama ko

"Dalhin mo na yung mga damit mo sa iskul dun ka na tumira"

Pabor! ahaha:)

Sa totoo lang minsan nakatunganga na lang ako sa iskul,na oop minsan sa mga bago kong klasmeyts,kaya if ever nakikita ko yung mga klasmeyts ko last year,iyon tsismisan kami hindi maiiwasan haha

Nang minsan nandun ako sa iskul dahil na-postpone ang training ng filipino(ba?)o yung paggawa ng bulletin wala naman akong kasabay umuwi kaya pinili ko na lamang tumanga---isa sa mga hobbyng super kong kinatutuwaan! Tapos hinahabol habol ko si Jenny sabi ko kasi sabay kami uwi,eh bigla nyang nakita sila Steven nagbabadminton---sumali xa

Nakita ko si Jehad at pina-xerox ang assignment nya sa math(wow! hi-tech di xerox na lang ang assignment sa math haha!) tapos nung isosole ko na yung notebook nakita nya sila Jenny nagbabadminton---sumali din

Tapos nakita ko si Teddy sabi nya uuwi na daw sya,eh nakita nya sila Jehad nagbabadminton iyon sumali din!

Ako na lang ang hindi,at dahil nasa kalgitnaan ako ng pagtanga pinili ko na lang umupo sa isang tabi,malapit sa nagkukwentuhang si Angelo at Demi,at habang busy ang lahat sa pagababadminton busy rin sila sa pagdadaldalan tungkol sa Tennis,specifically sa "Prince of Tennis" edi syempre op na naman ang eksena ko kaya pinili kong tumahimik dahil ang alam ko lang naman dun ay si Ryoma Echizen na malaki yung mata,haha

Tapos tahimik na ako,pinicturan ko na lang sila para sa kapakanan ng blog ko haha:)

At dun na nagtatapos ang post na ito,bow!(and arrow? haha!)

"Dapat ,mag-varsity ka sa badminton Afable"
-Steven

Dahil in fairness ang galing mag badminton ni Afable,sabi pa nga ni Teddy yung tipong parang humahaba yung kamay pag malayo na yung shuttle cock,umepal ako sabi ko oo nga para nga syang nag dadive kapag malayo (ulit)

No comments:

Post a Comment