Thursday, September 3, 2009

JAP Queen

"jack en poy hale-halehoy sinong matalo syang unggoy!"

"una bato,sumunod ano?"

Good morning ang sambit ni Sir Delos sa mga Rizal na malamya na naman!

Sa araw araw ba naman ginawa ng Diyos,walang araw na arang hindi kami napagalitan o nabulyawan,nabweltahan and the rest rest is HISTORY...

Kaya kanina nung napansin ni Sir Delos na kami'y nanghihina at tila mababa ang energy level,naks naman umeenergy si Sir! naisipan nya ( o prepared ata) initernet pa raw nya yun,wow umuunlad na talaga umiinternet na!

Pinatayo kami,at tamang tama raw kasi 12 sa bawat row di bale 6 pairs all in all,tapos losers will sit winners will stand and unfortunately first round pa lang talo na ako,nakakapanghina naman kasing malaman na matapos lahat ng paghihirap mo makakakuha ka ng line of seven...

Hanggang sa ang mga natitira na lamang na finalists ay sila Jerico,Ronald,Jo-ann,Pamela at ang iba hindi ko na matandaan...

Tapos its Jerici VS Ronald,tapos Ronald VS Pamela...

May nag chicheer kay Ronald,walang iba kundi ang bespren nyang si Angelo st sumisigaw ng "Master! Master!" at dahil nga talo naman si Ronald dinaan na lang sa apir!

Tadtatada tada!

Ang Jack En Poy Queen ay Si Pamela Jay!

Sa katunayan may fans club na sya,yung nasa row ko sila Yema!

"BATO-BATOPIK " sila yung tiga tuloy sabat turo sa kanila ni Sir,para raw may suspense

PIK PIK PIK!

Pang dulong cheer! haha :)

Congrats! Tanong ko lang akala ko ba King and Queen? Bakit Queen lang?

No comments:

Post a Comment