Sunday, August 16, 2009

Wanted NBS Bag

NBS-stands for National Bookstore Bag...

At PS nawawala sya...hindi ngayon pero nung isang araw

Ako'y nagpapanic (super panic) with matching pag-iyak at pagtulo ng sipon(ew!)

Ganito yun...

Wala kaming Journalism,pero may ginagawa ang lahat sa katunayan nga ay busyng busy pa sa kakadaldal at kakasigaw ng mga katagang "RIZAL TUMAHIMIK NAMAN KAYO" o kaya naman "RIZAL HINDI BA KAYO NAKAKRANDAM" o kaya ay "BLAH BLAH BLAH"....mula sa mga leaders o minsa'y naglilider lideran lamang sabi ni Sir Cleo...

Nakaupo ako sa tabi ni Teddy,tapos tinwag sya ni Ma'am sa di kalayuan(sa backdoor ng room) tapos napatingin ako(tsismosa nga eh!)

Tapos may inutos sa kanya si Mam,syempre wala na akong pakialam dahil hindi ako include,nang bigla kong narinig yung pangalan ko,hindi pala yung apelyido ko (oh men!)

"Tinioso kolektahin mo yung NCAE"

At nang kinolekta ko na...tinulungan ako ni Lady ibaba sa English Department

Nung nasa Eng Dept ako naalala ko yung NBS bag na naglalaman ng ENROLLMENT FORM NG IV-RIZAL at yung STICKER PAPER na pagpapaprintan ng mga ngalang ng RIZAL para sa Recom ID....

WIIII!

NAWALA SYA!!!!

SOS! 911! HELP! EMERGENCY!

Ano pa ba?

Super hanap naman ako nung nalaman ko ngang nawala na sya,kulang na lang pati pricipal's office tingnan din,hanggang sa kinabukasan (periodical test pa namin) sinabi ko na ang lahat kay Sir Cleo(tapaang na bata!)

At iyon pala alam na nya,sinabi na ni Cedric,nakow naman!

Walang imik si Sir Cleo,at isa lang ang ibig sabihin non,galit sya...

Habang lumilipas nga ang ang oras,lalo akong kinakabahan kasi nasa room ako pero wala pa ring nagreretrieve sakin nung bag,TUG TUG TUG TUG!

Hanggang sa dumating si BENMARIE "IMELDA" MOLLEDA,nasakanya oo! nasakanya ang mahiwagang NBS bag na yun,at hindi ko alam kung magagalit ako o matutuwa,isa lang ang nagawa ko TUMALON SA TUWA,at maiyak na sa sobrang tuwa,tears of joy kumbaga

Para talagang nabunutan ng tinik sa lalamunan at ngalangala...

ahhhh sarap!

Magpapasalamat na lang ako sa mga taong tumulong sakin sa abot ng kanilang makakaya :)

-Benmarie
-Afable
-Jade
-Marty
-dalawang James
-Robie
-Arvhie

At sa ibang hindi na mention pasenxa,salamat na rin :)

No comments:

Post a Comment