Monday, August 31, 2009

Another Dental Disaster

Naaalala ko yung una kong appointment with a dentist,sympre pauupuin ka nya dun sa upuan nyang mamahalin at hindi ko na iisipin pa kung magakano price non! Pumipikit ako tapos sabi ng dentist

"Dumilat ka ng makita mo kung paano ginagawa"

Actually hindi naman talaga masakit,sa sobrang tense nga (dahil first time) ay hindi ko napansing na injectionan na!

Phew! tapos ngayon mayron na naman ulit,medyo may trauma na ako sa kanila baka kasi maulit na naman eh! Ilang days or weeks na atang sumasakit tong ngipin ko,sabi nila wag raw papabunot pag masakit kaso hindi ko na talaga matiis kaya nagpabunot na ako!

Pero bago mangyaro ang bunutan syempre ang survey muna ako kung masakit talaga magpabunot at isa lang ang sinabi nilang lahat,

"Yung injection lang yung masakit"

At hindi na ako kinabahan dahil nga sa matetense ka hindi mo na mararamdaman yung sakit na yun saka isa pa super sandali lang naman yun. Siguro one to three seconds lang tapos mararamdaman mong parang namamaga yung labi mo,di mo maigalaw pero sabi ko nga feeling mo lang yun!

Tapos maya maya pinagmumog na ako,tapos inuga uga yung ngipin ko eh hindi pa masyado umeepekto yung gamot kaya umupo muna yung doktora tapos ininjectionan ulit wala! wala na akong pakiramdam,wag ko raw kasi isipin na masakit

1...2...3...4...5...Yun!

Tapos na pala ,ang haba pala ng ipin at ew kadiri super sira

Haha! atleast naranasan ko yun

Isang di makakalimutang xp ang first pagpapabunot ko ng ngipin ko!

I caught Ashley again!

Okay another late post!

Im sure simula ng mawala ang net kasabay ng pagkawala ng PC namin,mauuso na ang late post dito sa site este blog ko...

Ano ba? hindi naman nagtatrabaho ang nanay ko sa isang napakalaking kumpanya at sobrang apektado kami sa krisis pampinansyal na kinakaharap ko ngayon

Pasensya pasensya ngunit ang katotohana'y di maaaring itago lalo na kung ito'y bulgarang nagaganap...

So eto lang naman for the month of august STAR OF THE MONTH si Ashley Tisdale sa Disney waiy lang ano kaya basehan sa pagpili?Balita ko magiging producer na rin ng movies si Ashley (piling close ako ngayon!)

Tapos iyon may mga tweets sya na nilabas na yung bagong album nya entitled "Guilty Pleasure" tapos tinry kong i-download ang mga song puro pang sayaw pansin ko lang...

And then one day habang nag sscan ng channel sa TV napanood ko sya sa MTV nasa music video ng "Love Drunk" ng Boys like Girls...

Go! watch it yourself;



Wag ng pansinin ang ad sa baba!

Isa lang ang masasabi ko sa kanya,playgirl sya! ahaha :)

Sunday, August 16, 2009

Poll closed;School Clubs raw

Saang club ka nabibilang?


by subjects(eng,math etc)
4 (66%)
Student gov't
2 (33%)
wala ni isa!
2 (33%)
night club
0 (0%)

Votes so far: 6
Poll closed

Yan! puro poll na lang ang poll,dahil ang balita ko this week pa babalik si PC at Mr. Mozilla

Gooodluck na lang (ulet) parang sinabi ko na to sa sarili ko before

GO SENIORS!

INTRAMS NA TUMOROW!

GO HONEY VI!

Blue---represents us seniors,the fighting seniors buahaha!

Parang kaylan nga lang freshmen lang ako,napakainosenteng nilalang ng mundong to saka wait kaaway pala namin ang Seniors last year,pero ngayon kami na ang seniors!

Wanted NBS Bag

NBS-stands for National Bookstore Bag...

At PS nawawala sya...hindi ngayon pero nung isang araw

Ako'y nagpapanic (super panic) with matching pag-iyak at pagtulo ng sipon(ew!)

Ganito yun...

Wala kaming Journalism,pero may ginagawa ang lahat sa katunayan nga ay busyng busy pa sa kakadaldal at kakasigaw ng mga katagang "RIZAL TUMAHIMIK NAMAN KAYO" o kaya naman "RIZAL HINDI BA KAYO NAKAKRANDAM" o kaya ay "BLAH BLAH BLAH"....mula sa mga leaders o minsa'y naglilider lideran lamang sabi ni Sir Cleo...

Nakaupo ako sa tabi ni Teddy,tapos tinwag sya ni Ma'am sa di kalayuan(sa backdoor ng room) tapos napatingin ako(tsismosa nga eh!)

Tapos may inutos sa kanya si Mam,syempre wala na akong pakialam dahil hindi ako include,nang bigla kong narinig yung pangalan ko,hindi pala yung apelyido ko (oh men!)

"Tinioso kolektahin mo yung NCAE"

At nang kinolekta ko na...tinulungan ako ni Lady ibaba sa English Department

Nung nasa Eng Dept ako naalala ko yung NBS bag na naglalaman ng ENROLLMENT FORM NG IV-RIZAL at yung STICKER PAPER na pagpapaprintan ng mga ngalang ng RIZAL para sa Recom ID....

WIIII!

NAWALA SYA!!!!

SOS! 911! HELP! EMERGENCY!

Ano pa ba?

Super hanap naman ako nung nalaman ko ngang nawala na sya,kulang na lang pati pricipal's office tingnan din,hanggang sa kinabukasan (periodical test pa namin) sinabi ko na ang lahat kay Sir Cleo(tapaang na bata!)

At iyon pala alam na nya,sinabi na ni Cedric,nakow naman!

Walang imik si Sir Cleo,at isa lang ang ibig sabihin non,galit sya...

Habang lumilipas nga ang ang oras,lalo akong kinakabahan kasi nasa room ako pero wala pa ring nagreretrieve sakin nung bag,TUG TUG TUG TUG!

Hanggang sa dumating si BENMARIE "IMELDA" MOLLEDA,nasakanya oo! nasakanya ang mahiwagang NBS bag na yun,at hindi ko alam kung magagalit ako o matutuwa,isa lang ang nagawa ko TUMALON SA TUWA,at maiyak na sa sobrang tuwa,tears of joy kumbaga

Para talagang nabunutan ng tinik sa lalamunan at ngalangala...

ahhhh sarap!

Magpapasalamat na lang ako sa mga taong tumulong sakin sa abot ng kanilang makakaya :)

-Benmarie
-Afable
-Jade
-Marty
-dalawang James
-Robie
-Arvhie

At sa ibang hindi na mention pasenxa,salamat na rin :)

Saturday, August 8, 2009

Poll closed;Keme raw!

Ilang araw nang hindi nakakapag online,ngunit kahit magka-ganon,kailangan ko pa ring mag-post ng kahit ano dine sa blog ko!(sa kahit anong paraan---00! sa kahit anong paraan kaya nga kahit sa shop na lang)

Ang hirap,limited time haha!

Walang gadgets to be used(cellphone-source of pictures,my pc-source of other picrures)

Kaya nga eto na lang muna ang ipo-post kahit infos lang okay na!

Here's the result:

echos
1 (16%)
chuva
1 (16%)
chenes
1 (16%)
keme
2 (33%)
blah blah blah
1 (16%)

Votes so far: 6
Poll closed

I therefore conclude keme na! haha

Mabuti na rin palang wala muna kaming net,eh kasi naman sumabog na naman yung computer!

Goodluck na lang sakin :)

PS:Other post will be posted later

Saturday, August 1, 2009

Speechlab na naman:Film showing to!

Tuwang tuwa(sila!) pero happy din ako dahil habang tumatagal ata ay parami kami ng parami,at ang balak pa nga ay isasama pa ang busilak staff,hmmmm sabi ni Ma'am huwag na raw muna dahil baka magmukha kaming sardinas dahil ang daming staff ng busilak kung icocompare sa Purity staffers

Ngayong week sa pangalawang pagakakataon pumunta na naman kami(yay!)

Eto na ang kwento...

Nag iintay kaming lahat,tapos pumasok ako sa library

"Ano na ate?"

Tanong ko lang bakit ate palagi ang tawag sa akin at sa amin ni Mam Pamela,haha wala lang curious lang ako

Tapos sabi ko,"Ma'am nasa inyo po yung notebook ko"

Yun pala hindi iyon yung tinatanong ni Mam yung mga staffers nandyan na raw ba? Eh hindi ko alam ang sasabihin ko(spitsless bag!) tapos sabi ko "OO" na lang kahit may kulang,si Josephine kasi wala saka si Monalissa

Tapos maya maya pumasok si James sakanya na na divert yung tanong(hoo! divert to!)

Kunin na raw yung susi,sabi ko kanino?I mean nakanino yung susi,dahil sa hindi ko alam tumakbo ako palabas at sa tingin ko si James na yung nautusan

Nang nasa loob na ng speechlab...

tahimik ang lahat,ang sabi ni Ma'am manonood raw kami(yay!) kakaiba,mejo kakaiba hindi na kami gagaya ng babaing nagsasalita sa headphone o kaya naman makikinig ng daldalan ng ibang tao sa speechlab,haha

"Pursuit of Happiness" ang palabas,ang pinanood namin,hmmmm bakit kaya? Sabi kasi ni Ma'am may kuneksyon raw yung movie saming mga journalists,sa bagay ang ganda nakaka inspire and nakaka inggit,haha

Nung pinatay nila yung ilaw,nice! parang nasa loob lang ng sinehan tamang tama malamig (ng konte) dahil sa aircon,naglalakad di Mam at dahil nga madilim at hindi pa maxado nakakapag adjust ang mata ni Mam sa darkness,dalawa o tatlong beses syang naaksidente,pero maya maya umalis din xa kasi may klase pa xa sa Narra

At habang wala si Mam picturan raw muna,tapos si James humiga dun sa parang lababo don,si Ericka naman natulog at kami naman nagpictura,ako tiga picture haha:)

Napapansin kong parang magulo na kami kaya naman nag decide kaming umupo muna at si James naman pinatay na ulit yung ilaw,magbilang ka ng FIVE seconds....

BIGLANG DUMATING NA SI MA'AM

Isang malaking WEW! dahil gulat kami,garabe!

Biruin mo kaka upo lang namin,as in kaka upo lang,thanks bro!

Tapos tinanong kami ni Ma'am

"Naiintindihan nyo ba"

"Yes Ma'am"

"May pera na ba sya dyan?"

Si James sumagot "Yes ma'am 250 dollars kasi nakabili na sya ng Cloud nine"

Yun pala wala pa xang pera dun,akala kasi namin may trabaho na sya yun pala training lang yun,isang WEW ulit,muntik ng mahuling di naiintindihan yung movie,pero kahit magka ganon enjoy kami haha:)

Goodnight:)

PS:PICTURES WILL BE POSTED LATER

Badminton Marathon

Hapon na nasa iskul pa ako(lagi naman eh!) Kaya nga sabi ng mama ko

"Dalhin mo na yung mga damit mo sa iskul dun ka na tumira"

Pabor! ahaha:)

Sa totoo lang minsan nakatunganga na lang ako sa iskul,na oop minsan sa mga bago kong klasmeyts,kaya if ever nakikita ko yung mga klasmeyts ko last year,iyon tsismisan kami hindi maiiwasan haha

Nang minsan nandun ako sa iskul dahil na-postpone ang training ng filipino(ba?)o yung paggawa ng bulletin wala naman akong kasabay umuwi kaya pinili ko na lamang tumanga---isa sa mga hobbyng super kong kinatutuwaan! Tapos hinahabol habol ko si Jenny sabi ko kasi sabay kami uwi,eh bigla nyang nakita sila Steven nagbabadminton---sumali xa

Nakita ko si Jehad at pina-xerox ang assignment nya sa math(wow! hi-tech di xerox na lang ang assignment sa math haha!) tapos nung isosole ko na yung notebook nakita nya sila Jenny nagbabadminton---sumali din

Tapos nakita ko si Teddy sabi nya uuwi na daw sya,eh nakita nya sila Jehad nagbabadminton iyon sumali din!

Ako na lang ang hindi,at dahil nasa kalgitnaan ako ng pagtanga pinili ko na lang umupo sa isang tabi,malapit sa nagkukwentuhang si Angelo at Demi,at habang busy ang lahat sa pagababadminton busy rin sila sa pagdadaldalan tungkol sa Tennis,specifically sa "Prince of Tennis" edi syempre op na naman ang eksena ko kaya pinili kong tumahimik dahil ang alam ko lang naman dun ay si Ryoma Echizen na malaki yung mata,haha

Tapos tahimik na ako,pinicturan ko na lang sila para sa kapakanan ng blog ko haha:)

At dun na nagtatapos ang post na ito,bow!(and arrow? haha!)

"Dapat ,mag-varsity ka sa badminton Afable"
-Steven

Dahil in fairness ang galing mag badminton ni Afable,sabi pa nga ni Teddy yung tipong parang humahaba yung kamay pag malayo na yung shuttle cock,umepal ako sabi ko oo nga para nga syang nag dadive kapag malayo (ulit)