Wednesday, July 22, 2009

PTA meeting,nagpunta ba nanay mo?

Ang sabi sa amin ni Sir Cleo,dati raw hindi sya pumapayag na ang mga magulang kapag may meeting ay hindi umaatend sa private,tatlo o dalawa lang ang siguro hindi umaatend(wow!) kung hindi umaatend ang magulang mo sa mga meeting na katulad non,isa lang raw ibig sabihin non walang pakealam sayo mga magulang mo or hindi sila interesado,ouch!
(si James ang naka isip nito)
But it's okay alam ko namang kanya kanya kaming lahat ng hinanakit sa mga magulang namin(nung nag open forum kami) nagkalabasan ng sama ng loob sa mga parents...na yung mga parents natin;
-mas napapansin yung mali natin kaysa tama
-nakakapagbitaw sila ng mga salitang di mo maiimagine
-walang tiwala sayo
-mahilig mag flashback---tipong kinukumpara ang panahon nia sa panahon natin
-ikukumpara ka sa iba mong kapatid(or sa inaanak nya)
-sasabihin matanda ka na dapat alam mo na yan
-sasabihin bata ka pa hindi ka pa pwede
-piso lang daw baon nila dati
-mahilig mag duda
-nanunumbat
-kailangan sila palagi ang tama ikaw laging mali
-bawal mangatwiran
-parang wala kang halaga sa kanila
-ang dami na raw nagastos sayo,sa skul mo,sa baon mo
-sinasabing may boyfriend ka wala naman
-sinasabing textmate lang raw ang ka text mo

---AND THE REST IS HISTORY---

Kami kami na lang siguro nakaka alam dahil kung kabataan ka sa kasalukuyan baka nararanasan mo rin yan,pero kahit magkaganon sabi nga nila magulang pa rin daw natin sila,sana lang wag naman silang manumbat na ganito ganon ganito ganon...bakit,pinilit ba natin silang ipanganak tayo nung nasa tyan nila tayo?finorce ba natin silang gawin tayo?at...desisyon ba nating mabuhay sa mundong to?HINDI diba?so ano naging kasalanan namin ngayon?kahit minsan ginagawa mo ng lahat para sa kanila kulang pa rin,ang dami mo ng sinakrifice para sa kanila wala lang,kaya nga minsan di talaga namin maiwasan ma insecure dun sa mga taong may mga magulang na sobrang na aapreciate lahat ng ginagawa nila sa kanila,sobrang proud sa mga anak nila,yung tipong SALAMAT SA DIYOS BINIGYAN NYA KO NG ANAK NA TULAD MO.
(salamat sa nag take ng pic na to---PS:isa syang SG haha!)
Teka PTA meeting pala ang post ko bakit nagkaganito?sa bagay nakakarelate na rin kasi nman ako kaya tuloy napahaba tong post ko na tungkol lang naman sa mga magulang na umatend nung PTA,medyo disappointed nga si Sir kasi konte lang umatend nung meeting at pinag usapan yung pagababgo ng schedule,pero parang wala naman ganon pa rin kami umuwi,hapon pa rin kahit nabawasan ng tis fafive minutes bawat subject,saka yung reviewer namin para sa NCAE nako naman di pa pala ako bayad don,haha nakakahiya!

So,sana lang may natutunan kayo sa post kong madrama...haha :)

"Tuloy natin yung open forum natin,sarap ehhh" -Ruel

No comments:

Post a Comment