Sunday, February 28, 2010

First and last Semi-Finals

lolli..lolli..lolli...lollipop!
Unang tumambad na linya sakin;(or sa amin)

"Diba march na?I'll use the FACTOR 666...Welcome to Hell" -Sir Cleo

god! grabe March na nga,malapit na ang marchahan(at pagdudusa namin?)

pero kahit magka ganon,mahal pa rin kami ni Sir,in fact binigyan niya nga kami ng lollipop lahat (eh ilan ba kaming lahat?) 77 lang naman,at yung iba nga dalawa pa yung nakuha(at isa na ako don)

Angelica ang nagpapamigay ng lollipop
"Iboto niyo ako sa darating na eleksyon"

pero di ko talaga makakalimutan na ako ang nag-lead kanina sa prayer.Tama ba naman kasing bigla na lang akong hilain ni Teddy don sa pilahan hahaha

may mga nag compliment;
Demi:mala heaven ang boses mo
James Cedric:Ikaw ba talaga yung nagsalita kanina

ang tanong
"para san to?"

edi san pa,para tumahimik tayo! hahaha :))

---------------------------------------------------
tungkol don sa semi finals;

okay naman kasi kahit sinabi ng mga teachers namin na objective yung type ng test,still may mga choices pa rin :)

Wednesday, February 24, 2010

Pull out

maraming nagtatanong,paulit ulit na nga

tanong:"sasali ka sa JS?"
sagot:hindi
tanong ulit: huh?bakit?
sagot: ayoko lang,nakakatamad
reaksyon:ngek ano kaya yun?sayang naman

base lang yan sa kanila(20 plus who did not joined JS) average answers...

kanina lahat ng kasali sa JS,pinull-out sa klase ngayon kasi yung general rehearsal nila,at habang wala sila marami ang naganap;non JS performers
time ng math,eh masipag si Sir kaya nagturo.Yun marami yung aktib aktiban,haha!
ayun si Sir habang nagsusulat ng lesson for the day

at nang tapos na yung time ng math,may nag react pa din "Yung math natin hanggang eleven"
tumayo si James nung wala na si Sir,nag decide na lang siya na mag open forum daw kami,pero dapat walang lumabas (but im sure may lalabas) kaya di na lang nila pinangalanan.



si James ang nanguna sa forum-foruman

pending questions;
1.Sino ang pinaka nakakainis sa Rizal?
2.Sino yung mga hindi deserving sa top 10?

oh well,may mga nagsalita naman
anonymous others; kasi maingay siya...wala lang nagulat lang kami...kasi sabi nga ni Sir...and blah blah blah...

pero nung nagkakalabasan na ng opinions ay dumating si Mam D!...tinatanong niya kung bakit di kami sumali

"Ma'am Iglesia!!!" sagot ng nakararami
"Eh pano kayo?(tinuro yung mga hindi Iglesia)"
"Ma'am Iglesia din kami,nagpaconvert na kahapon lang"

Nang dahil don pagkatapos ng diskusyon,"Iglesia na kami" haha!,maraming sinabi si Ma'am tungkol sa Js,yung last year,yung sinuot niya,yung bagong bili niyang sandals,yung mga nakakatawang moments during JS at kung anu ano pa...pero sanay na kami kay Ma'am,yun nga yung isa sa mga nakakatuwang ugali ni Ma'am(well ako kinakatuwa ko yun,kasi open siya samin...hindi close haha!)

Pinilit pa nga niya yung iba sumali,including ako.but still...ayaw pa rin nila...
Mam Dee,discussing about JS

Tuesday, February 23, 2010

Graduation Pictures

isang ordinaryong araw lang para sa lahat...pero sa tingin ko habang lumalapit ag graduation(or JS) there's this kind of feeling...yun bang di mo alam kung magiging masaya ka,excited or malungkot...

oh well ngayong araw na 'to dinistribute yung graduation pictures namin,si Angelica yung nag distribute,at expected ng pakakaguluhan siya(pero takot ang ilan kaya di rin nagkagulo)

iba-iba naging reaction...may na shock,may natuwa

"bakit ganun yung picture ko mukhang Nene..?" -Erickafrom L-R;Robie,Theresa,Me and Lady

at nang mag uwian,isa lang naman ang inaabangan nila (hindi ako),at yun ay ang practice sa JS,pinagtalunan pa kung anong time

"But we have candles!" sabi ni Teddy kay Mam Dee (as if nagkakaintindihan sila,haha!)

habang nag aantay ng practice,nilibang ng iba ang sarili nila;
may gumawa ng project sa mapeh

Bolet: patuuuulooong lea,haha!
may nag-scrabble

at yung iba,trip lang tumulala at mag intay sa mga partners nila...hahaha

"Yellow paper is compose of only one,while yellow pad compose of many..."
-Sir Boquiren

once again,may natutunan na naman kami kay Sir Boquiren (aka Sir Arcy)

Monday, February 22, 2010

Blue Footsteps to Success!

greetings to Dr.Feliciano leading to the office
Sir Wilbert the MC

hindi ko alam kung may purpose ba si Sir Cleo kung bakit puro blue yung mga colored paper na ginamit kanina para sa pagcocongratulate kay Dr.Feliciano,may hinala ako;

first,siguro gusto niyang marecogize na fourth year yung gumawa non(ako yon,haha!)

at syempre siya yung chairman!
ginawa ng mga third year(na kanina ay napagalitan ni Sir Cleo)
Demi the confetti maker

so kanina nung program,pinalabas kami lahat sa library,pina cancel pati elections...pero worth naman kasi ang hearthrobs ay naipon(heartrobs nga ba?)

nag kwento pa nga si Dr.F tungkol sa pagiging mataray niya,ayaw niya daw kasi ng na rerecognize (nahihiya daw kasi)

"most outstanding lang naman eh..." sabi niya sa nanay niya,haha!(humble?)

"you must set a good example to everyone..."
-Dr.Feliciano

Thursday, February 18, 2010

owl city and paramore,philippine's next visitors!

nakakatuwa dahil kahit hindi ako fan,ay natutuwa ako ewan ko ba...haha

PARTY in our way!!!

so kanina,sinisi ko si james dahil walang picture yung post ko yesterday at hindi ko na naman xa nakita...oo ikaw JAMES CEDRIC OLIVER RADA(aka the walking stick) haha! nasan ka ba kasi?

anyways,hindi nga kami pinaboto binigyan naman kami ng chance makipagpailtan ng ideas at tanong sa dalawang partido...in short makihalo sa gulong ito haha!

pinaka umikot lang naman na question ay...
"what will you choose wisdom or attitude?"
-ericka

yung iba nag english (especially si Jesper (of lets party) na parang sasabog na yung throat) yung iba nag taglish,yung iba...yung iba...huh?wala dinaan sa idioms (na ayon kay ruizo ay kinuha raw sa connotations.com)

isa lang naman gusto kong itanong out of my curiosity

"bakit mali yung grammar ng motto ng LET'S PARTY?"

Wednesday, February 17, 2010

PARTY all the way!

humihingi ako ng copy ng pictures para sa pagcacampaign ng mga ka-partyhan,all i get is nothing...as in nothing,ang naabutan ko lang ay ang pagpipicturan nila sa loob ng botanical pero siguro (as in maybe) ma ipopost ko na lang later...

anyways,kasabay ng mga humahataw sa TV na mga politician (na wala ka ng ibang narinig at napanood ay iyon at iyon lang din---haha!)

at this very moment,lahat ng students sa school ay nagkakagulo about sa parpopromote (or pagpapasikat rather) nung mga tatakbong SG next year...

tulad last year dalawa lang ulit ang party...

MEGA PARTY
halos puro mga section two ang participants.
presidentiable: Fernando Angeles (na kapatid lang naman ngValedictorian namin)

LET'S PARTY
puros section one (as usual)
presidentiable: Jesper Superio (na walang ginawa kanina kundi mag-english...kahit hindi na xa naiintindihan ng mga estudyante haha!

isa lang naman ang masasabi ko

"akala ba nila masarap maging SG,brace (tama ba?) themselves!!! buahaha!"
-lea feat. marjorie

"parang sa city hall lang"
-teddyson

Tuesday, February 16, 2010

Claim Fieldtrip pictures here

Dami humihingi ng pictures kaya ipo-post ko na lang for the sake of the beggars(haha! joke!)
the very laking puno at morong

y-lover with mr.white

oi! si Sir Cleo nakunan,hanapin nio!

tonka! tonka!